Linggo, Setyembre 14, 2014

Iba ang nakikinig sa may naririnig


https://www.youtube.com/watch?v=UYoFfevcYBg



Una sa lahat, isa akong regular na estudyante. Hindi working student na kayod kalabaw at hindi rin scholar na nagsusunog ng kilay. Yung estadong working + student pumasok na din yon sa aking isipan na bakit nga ba hindi ko subukan pero naisip ko din na sa pagiging estudyante pa nga lang pagod at madami na akong reklamo pano pa kaya pag sinabayan ko ng pagtatrabaho.

Isanng araw naatasan kami ng aming guro na subukan ang mga simpleng gawain ng mga simpleng mamamayan kung san sila ay kumikita. Tulad ng pagtitinda ng sampaguita, kandila at kalamay, pag babarker at pagiging street sweeper pero sadya atang tinadhana sa akin ang pinaka mahirap sa lahat ang maging isang taga pamahagi ng salita ng Diyos.

Pangalawa, isa akong Katoliko. Sanay lang ako makinig sa misa ng Pari at minsan lamang ako nakakapag basa ng Bibliya. Paano ko magagampanan ng maayos ang gawaing ito kung kulang ang aking kaalaman at karanasan. Ang makipag usap sa hindi mo kilala at subukang makuha ang kanilang atensyon, hindi bat sayang napakahirap itong gawin.

Septyembre 12, biyernes. Kinailangan ko ng gawin ang naiatas sa akin kahit pa ako'y sobrang kinakabahan. Pagkatapos ng klase ay dumaretso na ako sa bayan kasama ang aking mga ka eskwela. Sumakay kami sa jeepney na may byaheng Indang pa Dasma Bayanna may lamang:

1 lalaking abala sa pagbabasa ng dyaryo
1 matandang babae
1 nanay
1 tagapamaneho
1 kondoktor
16 estudyante
at AKO

Paano na? Baka hindi nila ako pansinin. Saan ako magsisimula?
Baka akalain nila manghihingi ako ng barya.

Para akong baliw kakaisip. Kinakabahan na nahihiya ito ang aking nararamdaman. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi padin ako nakakapag simula.

Jas: Kym! ano na? Bababa na tayo wala ka paring nagagawa. XD
Ako: Jas, ayoko na :(
Jas: Sige na kym. Kaya mo yan :)

Wala naman akong ibang pagpipilian, kailangan ko itong gawin kayat naglakas loob na akong magsimula. sa una ay nauutal pa ako magsalita pero dahil napansin kong napapangiti ang ibang pasahero sa akin, unti unti na rin nawala ang aking kaba.

Mayroong ngumingiti,mayroong hindi namamansin na para bang walang naririnig (sarap salaksakin), mayroon ding sumasagot pa sa mga tanong na aking nababanggit. Ang sayang malaman  na kahit hindi kayo magkakakilala ay mayroon paring mga tao na hindi ka babaliwalain, yung pag sisikap kong makapag bahagi ng salita ng Diyos ay sinuklian nila ng sapat na atensyon at nagpapasalamat ako para doon.

Tuwing may ngumingiti sayo pahalagahan mo it. Kapag may sumasagot sa mga tanong mo wag mo kakalimutan magpasalamat. Kapag walang pumapansin sayo diba ang saklap. Paano nalang kaya ang nararamdaman ng mga taong talagang gumagawa ng ginawa ko. Yung nagsasalita sila sa harap ng madaming tao na hindi nila kilala at walang nakikinig at wala ding balak magabot ng tulong na kanilang hinihingi. Ang pinagkaiba ko lang naman ay hindi ako humingi ng kapalit. pagkatapos ko maranasan ang hindi mapansin ng iba para bang ang sarap nila batukan at sabihan ng "subukan mo kayang makinig wala namang mawawala eh" pero syempre hindi naman nila responsibilidad na makinig, nasasakanila na kung gugustuhin nila o hindi. Sana lahat ng mga tao na bigla bigla nalang umaakyat ng Jeep at humihingi ng tulong ay may tapat na kalooban at hindi nanloloko ng kapwa.








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento